Ni Ann Esternon
Sa panahon ng krisis, mas dapat tayong magtipid sa anomang bagay.
Dahil marami ang naghihirap ngayon dahil marami ang nawalan ng trabaho kailangang matutong tipirin ang pagkonsumo tulad sa kuryente. Dapat gawin ito ng sinomang miyembro ng pamilya o kung sinoman ang tao sa bahay para kung anoman ang matitipid nap era ay mailalaan pa para sa ibang gastusin.
Dahil marami rin ngayon ang nananatili sa bahay para makaiwas sa sakit dala ng COVID-19, mas magastos dahil mas matao sa bahay.
Para makatipid, ito ang mga tips na magbibigay ginhawa at makabawas sa inyong mga gastusin.
PAGLALABA
– Dapat ay full load at hindi overload kung gagamit ng automatic washing machine. Ang automatic washing machine ay parehas ng konsumo ng kuryente para sa full load gaya ng paglalagay ng single item. Hindi rin naman dapat maging overload dahil mababawasan lamang ang cleaning action ng makina. Kung nakaayos ang sizes ng mga damit in a full load ay mas maayos ang cleaning action nito.
– Kung may tubig sa washing machine na ginamit na sa unang hanggang pangalawang load ay maaaring gamitin pa para malinisan ang inyong mga basahan o doormat para hindi rin ito masayang.
– I-monitor ang weather forecast at kung may sapat hanggang sa sobrang init ay mainam ito para makapagpatuyo ng damit sa maghapon at huwag nang gumamit pa ng drier.
PAMAMALANTSA
– Iwasan ang pagpaplantsa ng mga damit araw-araw. Mas makakatipid kung gagawin lamang ito isang beses sa isang linggo o dalawang beses sa isang buwan.
– Kung magpaplantsa dapat ay maramihan at unahin ang mga malalaki at makakapal na damit at kung tapos na ay agad na i-unplug ang plantsa sa saksakan. Gamitin ang natitirang init sa mga panyo, shawls at iba pang maninipis at maliliit na tela.
– Huwag nang plantsahin ang mga damit na hindi naman kailangan o ang mga damit na pwedeng isuot kahit hindi plantsado tulad ng mga pambahay o ang ibang mga dry fit na damit.
– Gawin ang pamamalantsa sa gabi at hindi sa umaga.
ILAW AT APPLIANCE
– Kapag hindi ginagamit ang ilaw ay dapat i-switch off na ito
– Kung may sapat na liwanag ang isang lugar ay huwag nang gumamit ng ilaw.
– Gumamit ng LED (light-emitting diode) lighting system sa halip na incandescent bulb dahil 86% na energy ang matitipid nito.
– Iwasan din ang tinatawag na “phantom load” o ang mga appliances na nakasaksak pero hindi naman ginagamit kaya dapat tanggalin din ito sa saksakan. Ang mga appliances na may remote control ay kumokonsumo ng kuryente kahit nakapatay ito kaya maiging bunutin ito sa saksakan.
– Ang regular na pagde-defrost ng refrigerator at chest freezer ay makakatulong sa pagtitipid ng kuryente. Iba ang thermostat nito hanggat maaari at sikaping kapag ito ay bubuksan ay makukuha na nang mabilisan ang mga kukunin nang sabay-sabay.
– Panatilihing malinis ang air conditioner at iba pang appliances
– Iwasan din ang paggamit ng industrial fan dahil malakas itong kumonsumo ng kuryente.
– Tangkilikin ang mga appliances na energy appliances at gadgets. Halimbawa nito ay 20-30% ang matitipid o P160-P240 kada buwan ang matitipid kapag gumamit ng inverter na refrigerator
– Sa paggamit ng rice cooker subukan na isa hanggang dalawa lamang ang paggamit nito. Isahang luto na marami ay makakatipid nang malaki sa konsumo ng kuryente.
– Kung gagamit ng computer iwasan nang gumamit pa ng telebisyon.
– Mag-LPG sa halip na electric stove ang gamitin.
487