MAGKAKAGULO ‘PAG NAMATAY SI DIGONG SA THE NETHERLANDS – PANELO

PINANGANGAMBAHAN ni dating Chief Presidential Legal Counsel Atty. Salvador Panelo na mag-aklas ang taumbayan at maging hudyat ng madugong kaguluhan sakaling sa The Hague, Netherlands abutan ng kamatayan si dating pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Sa idinaos na Meet the Manila Press Forum sa Orosa St., Ermita, Manila walang nakikitang masamang epekto sa ekonomiya ng bansa ang planong no remittance week ng OFW na supporters ng pamilya Duterte.

Mas dapat umanong katakutan ang posibleng madugong resulta dahil kalusugan ni PRRD ang nakataya sa pagmamatigas ng gobyerno na huwag itong iuwi ng Pilipinas kahit may ibang remedyo.

Walang ibang nasisilip na paraan si Atty. Panelo kundi pakiusapan ng ating gobyerno ang lahat ng miyembro ng Rome Statute sa ICC at makialam sa problema ng dating pangulo na maghanap ng tamang solusyon para sa kanyang pansamantalang paglaya.

Kalmado pa sa ngayon ang Duterte supporters sa kabila ng planong zero remittance week ng mga OFW sa abroad.

Kusa aniya itong ginagawa ng mga OFW bilang pagpapakita ng kanilang pagsalungat laban sa kasalukuyang administrasyon ngunit sa isang mahinahon na paraan.

Nakahanda na rin aniya si PRRD anoman ang kahinatnan ng kapalaran habang nakakulong dahil hindi ito natatakot sa kamatayan.

(JULIET PACOT)

68

Related posts

Leave a Comment