ITINALAGA simula kahapon Marso 27, si Police Regional Office (PRO) 6 Director PBGen. Jack Wanky bilang Officer-in-Charge ng Police Regional Office – Negros Island Region (PRO-NIR) kasabay ng activation ng PRO-NIR.
Pinasalamatan naman ni General Wanky sa kanyang talumpati sa pagtatatag ng NIR sina DILG Sec. Juanito Victor Remulla, PNP Chief General Rommel Marbil at sa pagtatalaga sa kanya na pamunuan pansamantala ang PRO-NIR.
Kabilang sa dumalo sa seremonya ang Local Chief Executives ng Negros Occidental, Negros Oriental at Siquijor.
Pangangasiwaan ni Wanky, bilang officer-in-charge ng NIR ang mga pulis na nasa Isla ng Negros at Siquior habang wala pang naiuupong bagong Regional Director.
Kasabay ng kanyang paghirang bilang OIC ng PRO-NIR ay mananatiling PRO-6 Director si General Wanky.
(TOTO NABAJA)
