MANILA NORTH CEMETERY NAGLABAS NG ADVISORY SA UNDAS

KAUGNAY ng nalalapit na paggunita ng All Saints’ Day at All Souls’ Day, naglabas ng magkahiwalay na abiso ang Manila North Cemetery para sa mga bibisita sa Undas at ang National Security Council (NSC) kaugnay ng mga impormasyong lumalabas sa impeachment proceedings hinggil sa umano’y daloy ng milyon-milyong salapi mula China patungo sa isang Philippine-based company na iniuugnay sa pamilya ni Vice President Sara Duterte.

Ayon kay Manila North Cemetery Director Daniel “Dandan” Tan, maaga silang naglabas ng advisory upang matiyak ang kaligtasan, kaayusan at kapakanan ng bawat pamilyang bibisita sa 54-ektaryang sementeryo, na inaasahang dadagsaan ng libu-libong Pilipino sa mga araw ng Undas.

Kabilang sa mga itinakdang alituntunin ang October 27, 2026 bilang huling araw ng paglilinis, pagkukumpuni at pagpipintura ng mga puntod, habang October 28, 2026 naman ang huling araw na papayagang magkaroon ng libing.

Mula October 29 hanggang November 2, 2026, bukas ang Manila North Cemetery mula 5:00 a.m. hanggang 8:00 p.m.

Sa naturang panahon, mahigpit nang ipinagbabawal ang pagpasok ng anumang sasakyan sa loob ng sementeryo.

Ipinagbabawal din ang pagdadala ng baril at matatalim na bagay, alak, alagang hayop, gitara, malalakas na sound system at speaker, gayundin ang mga madaling magliyab gaya ng alcohol at thinner.

Magbabalik sa regular na operasyon ang Manila North Cemetery sa November 3, 2026.

Samantala, inaasahang magpapatupad ang Pamahalaang Lungsod ng Maynila at Manila Police District (MPD) ng rerouting sa mga kalsadang malapit sa mga sementeryo at magtatalaga ng mga lugar na maaaring gawing paradahan ng mga dadalaw.

(JESSE RUIZ)

118

Related posts

Leave a Comment