$1.5-T NAWAWALA SA EKONOMIYA SA KAWALAN NG MARITIME ZONE LAW

UMAABOT sa $1.5 trilyon ang halagang nawawala umano sa ekonomiya ng bansa kada taon dahil sa kawalan ng Philippine maritime zone law.

Ito ang nabatid mula kay Senate Special Committee on Maritime and Admiralty Zone chairman, Senator Francis Tolentino sa Kapihan sa Manila Bay forum.

Sinabi ni Tolentino, sa pamamagitan ng pag-aruba sa ikatlo at huling pagbasa sa maritime zone law bill ay inaasahang mapalalakas at magpapatatag ang pag-angkin sa pinag-aagawang teritoryo.

Sinabi ng senador na bagama’t may international maritime law, ito aniya ay self-executory lang at ipinatutupad sa domestic— kailangan aniya itong i-nationalized.

“Maraming nanghihimasok – wala tayong tamang batas pangkaragatan at ngayon lamang napatatag ‘yung atin, — dun sa maritime zone law, sa tingin ko magpapatibay hindi lang ng karapatan ng ating bansa, in the base of national security, pati food security rin at trabaho rin para sa ating mga mangingisda,” saad ni Tolentino.

Ayon sa senador, makatutulong na marekober o mabawasan man lang ang nawawala sa ekonomiya ng bansa, sa naturang batas na magsisilbing “notice” ng Pilipinas sa buong global community.

“The law would help in a sense that it will serve as a notice to the entire global community. Philippines is the rightful owner of this protected marine environment and the resources that can be found herein,” dagdag pa ni Tolentino.

Nauna nang sinabi ni Tolentino sa plenaryo sa Senado na kahit anong mangyari sa Bajo de Masinloc, sa West Philippine Sea at Benham Rise, ang Philippine maritime zone law ay tatatak sa kasaysayan na magiging bantayog ng ating kalayaan.

“We can enforce, in the basis of this law –and we can asked other nations as well, allies, to help us to collaborate with allies to help us establish a rules based on international regime… patrols, fishing agreements etc, etc,” pahayag pa ng senador nang tanungin kung ano ang pagkakaiba ng pagkakaroon ng nasabing batas dahil kung sino-sino anila ang pumapasok at nangingisda dahil walang domestic law.

Samantala, kailangan lamang aniyang mapalakas pa ang actual law enforcement, kailangan gumawa ng paraan para mapalakas ang Philippine Coast Guard (PCG), at maritime security forces.

Aminado naman si Tolentino na sa ngayon ay hindi pakakayanin ng Pilipinas pagdating sa maritime forces, dahil sa lawak ng karagatan pero iginiit na magbibigay ng puwang ang batas sa policy makers at panahon para mag-invest ng sapat at quality law enforcement, at equipment para suportahan ang PCG.

(JOCELYN DOMENDEN)

 

34

Related posts

Leave a Comment