2024 PROPOSED BUDGET APRUB NA SA KONGRESO

AGAD inaprubahan ang panukalang 2024 national budget ng panel ng Senado at Kamara sa pangunguna nina Senate Committee on Finance Chairperson Sen. Sonny Angara at House Appropriations Committee Chairperson Rep. Elizaldy Co kasama sina Senators Cynthia Villar, Risa Hontiveros, Nancy Binay, Joseph Victor “JV” Ejercito, Sherwin Gatchalian, Ronald “Bato” dela Rosa at House panel: Representatives Neptali Gonzales II, Ralph Recto, Aurelio “Dong” Gonzales Jr., David “Jay-Jay” Suarez, Stella Quimbo, Marcelino Libanan, Raul Angelo Jil Bongalon, at Manuel Jose Mannix Dalipe. (DANNY BACOLOD)

INAPRUBAHAN na ng bicam panel ng Kamara at Senado ang panukalang 2024 national budget.

Tumagal lamang ng ilang minuto ang ikalawang pulong ng bicam panel na pinangungunahan nina Senate Finance Committee Chairman Sonny Angara at House Appropriations Committee chairman Elizaldy Co.

Ito ay makaraang katigan na lamang ng mga miyembro ng panel ang mga probisyong napagkasunduan ng 2 chairman.

Sa panayam kay Angara, tiniyak nito na tinanggal na nila sa panukalang 2024 national budget ang mga inilaang confidential fund sa civilian agencies.

Gayunman, kinumpirma ng senador na dinagdagan nila ng dalawang bilyong pisong pondo ang Philippine Coast Guard at walo hanggang 10 bilyong piso sa Department of National Defense.

Agad namang niratipikahan sa sesyon ng dalawang Kapulungan ang bicam report upang maisumite na rin sa Malakanyang para sa paglagda ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

(DANG SAMSON-GARCIA)

75

Related posts

Leave a Comment