2 KARNAPER TIMBOG SA FOLLOW-UP

NABITAG ng mga tauhan ng Manila Police District-Baseco Police Station 13, ang dalawang lalaki na umano’y sangkot sa pagtangay ng isang motorsiklo sa Baseco Compound, Port Area, Manila

Kinilala ang mga suspek na sina alyas “Jericho, 29, at alyas “Jayson”, kapwa nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 10883 o New Anti-Carnapping Act of 2016.

Ang mga suspek ay nadakip sa ikinasang follow-up operation ng pulisya, ayon sa utos Police Lieutenant Colonel Emmanuel “Mike” Gomez, station commander

Ayon sa ulat nina Police Staff Sergeant Alfie Geronimo at Police Corporal Joem Bajet Jr., noong Sabado nang matunton ang suspek na si Jericho sa Barangay Tangos, Navotas City, habang nadakip si Jayson sa Baseco Compound, Port Area, Manila.

(RENE CRISOSTOMO)

81

Related posts

Leave a Comment