3 BABAE, 1 PA SINILBIHAN NG WARRANT SA KULUNGAN

DALAWANG babae ang sinilbihan ng arrest warrant sa loob ng Correctional Institution for Women sa Mandaluyong City dahil sa kasong estafa noong Biyernes ng gabi.

Kinilala ang mga inaresto na sina Vilma Villamin, 55, at Diseree Saludo, 54-anyos.

Habang isang 34-anyos na jobless naman na may kasong murder, ang sinilbihan ng warrant of arrest ng mga tauhan ng District Special Operation Unit (DSOU) ng Manila Police District, sa loob ng Male Dormitory sa Manila City Jail nitong Biyernes ng umaga.

Kinilala ni MPD Director Police Brigadier General Andre Dizon, ang suspek na si Marlon Delanon Rebusi, ng Barangay 649, Baseco Compound, Port Area, Manila.

Samantala, isang 69-anyos na travel consultant ang sinilbihan din ng warrant of arrest sa loob ng Female Dormitory ng Tarlac Provincial Jail noong Sabado ng hapon.

Kinilala ang sinilbihan ng arrest warrant na si Theresa Barruelo, ng La Union City, may kasong paglabag sa Republic Act 8042, as amended by RA 10022 (Migrant Workers and Overseas Filipino Act of 1995). (RENE CRISOSTOMO)

78

Related posts

Leave a Comment