BINTI NG TAO INILUWA NG DAGAT

HINIHINALANG pinatay sa ibang lugar bago pinaghiwa-hiwalay ang katawan ng isang hindi pa kilalang babae o lalaki, na natagpuan ang putol na binti habang palutang-lutang sa karagatang sakop ng Barangay 15 sa Pier 118, Tondo, Manila noong Sabado ng umaga.

Ayon sa ulat ng Manila Police District – Raxabago Police Station 1, isang tawag sa telepono ang kanilang natanggap hinggil sa isang bahagi ng katawan ng tao na nakitang palutang-lutang bandang alas-9:50 ng umaga sa karagatan sa APRON 680, MSW Berth 5, Pier 16, Brgy. 118, Tondo.

Agad ipinagbigay-alam ang insidente sa tanggapan ng MPD-Homicide Section habang inutos naman ni Police Captain Dennis Turla kay Det. John Teody Siguen na respondehan ito, kasama ang Forensic Unit ng MPD-SOCO para matukoy ang pagkakakilanlan ng biktima.

(RENE CRISOSTOMO)

141

Related posts

Leave a Comment