3 KATAO PINAGBABARIL SA MAYNILA, 1 PATAY

NASAWI ang isa at sugatan ang dalawa pa matapos pagbabarilin ng riding in tandem sa Hermosa St., Barangay 200, Tondo, Manila, Martes ng hapon.

Kinilala ang nasawi na si Johnny Rome Tiangco, 31, habang nasa ligtas nang kalagayan ang dalawa pang tinamaan din ng bala na si Allen Derick Pascual, 25 at isang 13-anyos.

Base sa ulat ng Manila Police District, Jose Abad Santos Police Station 7, alas-5:50 ng hapon nang maganap ang insidente sa tapat ng bakery sa Barangay 200, Tondo.

Sa report ni Police Captain Dennis Turla, hepe ng Manila Police District – Homicide Section, ang dalawang suspek ay parehong nakasuot ng itim na jacket at magkaangkas sa motorsiklo.

Hinihinalang isa lang sa mga biktima ang target ng mga salarin. Inaalam pa ang motibo sa krimen. (RENE CRISOSTOMO)

48

Related posts

Leave a Comment