OFW MULA KUWAIT BAGONG AKOOFW PREXY

PORMAL nang nagpulong ang AKOOFW National Executive Council alinsunod sa constitution and by-law ng kanilang samahan upang maghalal ng mga opisyal ng National Executive Council ng AKOOFW Party-list.

Kabilang sa nahalal bilang national president ang isa sa founder ng AKOOFW na si Frederick F. Makasakit.

Si Makasakit ay isang OFW mula sa Kuwait simula pa noong 1988 at nanatili roon sa kasagsagan ng Kuwait-Iraq war. Naging pangulo rin ito ng Filipino badminton Committee-Kuwait at naging Secretary General ng Kuwait Oil Company Basketball Committee.

Ang mga nahalal ay sina Dr. Celerino L. Umandap – Chairman; Frederick F. Makasakit -National President; ret. BGen. Gerardo Zamudio – Vice Chairman for Media Affairs; Donald Patrick Lim- Vice Chairman for Planning & Operations; Katrina M. Umandap- Vice Chairman for International Community Affairs; Jose Anthony E. Umandap- Vice Chairman for Political Affairs; Anna Marie M.Umandap – Vice Chairman for Social Services; Atty. Marlon Valderama – Vice Chairman for legal Affairs; Pablo L. Umandap – Treasurer; Teresita U. Evangelista- Secretary General.

Ang AKOOFW ay isang samahan ng mga OFW na ang layunin ay pangalagaan at protektahan ang karapatan at kapakanan ng mga OFW.

69

Related posts

Leave a Comment