3 WANTED PERSONS, NABITAG NG QCPD

TATLONG lalaking wanted persons ang nalambat ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) Crime Investigation Section (CIS), sa pamumuno ni P/Major Elmer Monsalve, sa Brgy. Culiat, Quezon City nitong Lunes.

Kinilala ni QCPD Director, Police Brigadier General Danilo P. Macerin, ang district level top 2 most wanted person na si Henry Lapus, 34-anyos, residente sa #13 Zamboanga St., Pael, Brgy. Culiat, Quezon City, naaresto dakong alas-9:00 ng umaga sa kanyang bahay.

Si Lapus ay may warrant of arrest para sa kasong murder, na inisyu ni Hon. Edgardo B. Bellosillo, presiding judge ng Branch 95, Quezon City Regional Trial Court, at walang piyansang inirekomenda para sa suspek.

Arestado rin sa mga tauhan ng Pasong Putik Police Station (PS-16) sa bisa ng warrant of arrest, ang suspek na si Erick Marantan, 51-anyos, tubong Cagayan Valley, sa kanyang bahay sa Block 7, Lot 916, Fortune St., East Fairview, Quezon City, dakong alas-9:30 ng umaga noong Enero 25, dahil sa kasong estafa.

Nalambat din ng mga tauhan ng PS-16, sa bisa ng warrant of arrest. si Ronel Cuabo, 32-anyos, tubong Bukidnon, at residente ng #170 Junji St., Rolling Hills Subd., Brgy. Kaligayahan, Novaliches dakong alas-9:50 ng umaga noong Enero 25.

Si Cuabo ay inaresto dahil sa kasong reckless imprudence resulting in slight physical injuries. (JOEL O. AMONGO)

66

Related posts

Leave a Comment