BACLARAN CHURCH BANTAY-SARADO

BANTAY-SARADO by RAFAEL TABOY

(PHOTO BY RAFAEL TABOY)

NAGDAGDAG ng mga pulis sa paligid ng Baclaran Church sa Paranaque City matapos ang madugong pagsabog sa simbahan sa Jolo, Sulu at mosque sa Zamboanga.

Naging mahigpit ang seguridad at maging ang mga security guards ay iniinspeksiyon na rin ang mga bag ng mga nagsisimba, ayon kay Senior Insp. Joseph Dionaldo, supervisor ng operasyon “Oplan Buhos sa Baclaran”.

Nag-iikot ang bomb squad, Special Weapons and Tactics (SWAT) team, at K-9 units bilang bahagi ng karagdagang deployment sa paligid ng simbahan.

Daang deboto ang inaasahang daragsa sa Baclaran Church ngayon, Miyerkoles para sa Our Mother of Perpetual Help devotion.

10

Related posts

Leave a Comment