BAWAS TARIPA SA MEAT IMPORTERS KINONTRA

BINAKBAKAN nang husto ng sektor ng agrikultura ang Department of Agriculture (DA) sa plano nito na bawasan ang taripa ng meat importers dahil lalo lang umanong pinapayaman ng ahensya ang mga ito habang inilulugmok naman sa kahirapan ang local producers.

Sa pagdinig ng House Committee on Agriculture, na pinamumunuan ni Quezon Rep. Mark Enverga, kinontra nina Ernesto Ordanes, presidente ng Alyansa Agrikultura, at Atty. Bong Inciong ng United Broilers and Raisers Association, ang plano ng DA na bawasan ang taripa ng imported pork.

“We don’t have to decrease tariff. They (pork importers) making so much money. Why you would want to give them more profit,” pahayag ni Ordanez sa nasabing komite.

Base sa mga report, binibili lamang umano ng importers ang bawat kilo ng pork belly sa ibang bansa sa halagang $3 o wala pang P150 kada kilos subalit ibinebenta ito sa halagang P250 sa lokal na merkado.

Sa kasalukuyan ay P400 ang bawat kilo ng pork belly kahit nag-isyu na si Pangulong Rodrigo Duterte ng price freeze kung saan itinakda sa halagang P300 ang parteng ito ng baboy.

Dahil dito, malaki na aniya ang kita ng meat importers kaya kung babawasan pa ng 5% hanggang 10% ang kanilang taripa ay lalo silang yayaman habang patuloy namang maghihirap aniya ang local hog raisers dahil masyadong mahal ang puhunan ng mga ito.

“Don’t give them more money, they’re killing us,” ayon pa kay Ordanez dahil maliit lang umano ang puhunan ng mga ito kumpara sa local hog raisers na wala pang P80 ang kita bawat kilo.

“We must not help importers, they are good, but they make a lot of money already,” dagdag pa ni Ordanez kaya dapat hindi matuloy aniya ang pagbabawas sa 30% taripa na binabayaran ng importers ng karne.

Nagtataka naman si Inciong sa plano ng DA na bawasan ang taripa ng pork importers gayung tuloy-tuloy naman umano ang pag-aangkat ng mga ito, may kakulangan man ng supply ng baboy sa bansa o wala.

“Why throw away the much-needed revenue?” tanong ni Inciong. (BERNARD TAGUINOD)

72

Related posts

Leave a Comment