BEBOT PATAY SA SAKSAK NG KAPITBAHAY

PATAY ang isang 38-anyos na babae nang saksakin ng kanyang kapitbahay nitong Lunes ng madaling araw sa Barangay 64, Baseco Compound, Port Area, Manila.

Namatay noon din ang biktimang si Junifer Sen Buenaventura, ng nasabing lugar.

Kinilala naman ang suspek na si James Banesio, 22, kapitbahay ng biktima.

Base sa ulat ni Police Captain Dennis Turla, hepe ng Manila Police District – Homicide Section, bandang alas-5:00 ng madaling araw nang mangyari ang insidente.

Mabilis na nakatakas ang suspek makaraang pananaksak sa biktima.

(RENE CRISOSTOMO)

32

Related posts

Leave a Comment