BIODEGRADABLE CAMPAIGN MATERIALS ISINULONG NG COMELEC

ISINULONG ng Commission on Elections (Comelec) ang paggamit ng biodegradable campaign materials sa 2025 national and local elections upang maging “environmentally compliant”.

“‘Yung mga posters dapat biodegradable lahat ‘yan and at the same time, dapat susunod doon sa pine-prescribe ng hindi lamang ng United Nations (UN) kung hindi kahit ‘yung ating Department of Environment and Natural Resources (DENR),” sabi ni Comelec chairperson George Garcia.

Bukod dito, dapat din aniyang mabawasan ang noise pollution sa panahon ng kampanya at eleksyon.

Sinabi ni Garcia, kanilang iminumungkahi ang paglikha ng isang kakatawan sa paggawa ng mga patakaran at alituntunin na ipatutupad ng Comelec.

Sinabi pa ni Garcia, ang mga poster na hindi nakatutugon sa panuntunan ng Comelec ay ituturing na ilegal na poster at ang naturang paglabag ay maaaring maging batayan para sa diskwalipikasyon.

Binigyang-diin din niya na ang global warming ay banta na dahil sa matinding init at pagbaha sa bansa.

“‘Wag po mag-alala. There can always be a compromise between profit, business, at saka ‘yung atin pong obligasyon sa atin po namang mundo at sa atin pong kapaligiran,” saad ni Garcia. (JOCELYN DOMENDEN)

 

22

Related posts

Leave a Comment