BIYUDA TUMALON MULA 7TH FLOOR NG CONDO

BASAG ang bungo at lasog ang katawan ng isang 62-anyos na biyuda makaraang umanong tumalon mula sa ika-17 palapag ng isang condominium sa Sta .Cruz, Manila noong Huwebes ng hapon.

Kinilala ang biktimang si “Elsa”, residente sa isang condominium sa Barangay 350, Sta. Cruz, Manila.

Base sa ulat na isinumite ni Det. Gary Reyes kay Police Captain Dennis Turla, hepe ng Manila Police District-Homicide Section, bandang alas-2:35 ng hapon nang iulat sa kanilang himpilan ang hinggil sa insidente.

Nabatid sa imbestigasyon, bandang alas-12:30 ng hapon, kumain ng tanghalian ang ginang kasama ang mga anak nitong 21-anyos na lalaki at 29-anyos na babae

Matapos ang pananghalian, nakarinig ng malakas na kalabog ang isang Rowena Flor, ang 42-anyos na house keeper ng condominium.

Pagkaraan ay natagpuang nakahandusay na walang buhay ang biktima sa ibaba ng condo.

Nabatid mula sa dalawang anak na ang biktima ay dumaranas ng depresyon at ilang beses na nitong tinangkang magpakamatay.

(RENE CRISOSTOMO)

102

Related posts

Leave a Comment