BUREAU OF CUSTOMS NASUNOG

CUSTOMS

NASUNOG ang ilang bahagi ng gusali ng Bureau of Customs (BOC) sa Port Area, Maynila, Biyernes ng gabi.

Sinabi ni Fire Officer 1 Reiner Dela Rosa ng Bureau of Fire Protection (BFP) na nagsimula ang sunog bandang alas-9 ng gabi sa ikatlong palapag ng gusali malapit sa gate 3 ng South Harbor.

Bandang alas-10 ng gabi ay itinaas na sa fifth alarm ang sunog.

Inaalam pa ng awtoridad ang sanhi ng sunog at kung anong bahagi ng gusali ang natupok ng apoy.

8

Related posts

Leave a Comment