CALOOCAN BUMUO NA NG VAX TEAMS

BINUBUO na ng pamahalaang lungsod ng Caloocan ang vaccination teams at inihahanda ang vaccination areas na gagamitin bilang preparasyon sa pagdating ng COVID-19 vaccines.

Kasabay nito, tiniyak ni Mayor Oca Malapitan na ginagawa ng pamahalaang lungsod ang lahat upang maging maayos ang pagbabakuna sa Caloocan.

Ang vaccination teams ay pangungunahan ng mga doktor at nurse sa lungsod habang gagamitin naman ang malalaking eskwelahan bilang vaccination areas.

Ayon sa guidelines ng Department of Health, ang bawat vaccination site ay bubuuin ng waiting area, registration area, screening area, counselling and final consent area, vaccination area at post-vaccination area kung saan imo-monitor ang bawat nabakunahan sa loob ng 30 minuto.

Binigyang-diin din ni Mayor Oca na una sa priority list na mabakunahan ang mga healthworker.

Ang mga healthworker ng lungsod ay kasalukuyang nasa pagsasanay hinggil sa pagbabakuna ng COVID-19 vaccine.

“Wala po tayong sasayanging oras laban sa pandemyang ito. Pagdating na pagdating ng bakuna, kailangan ay handa na tayo at ibibigay na lamang ito sa mga mamamayan,” ani Mayor Oca. (ALAIN AJERO)

115

Related posts

Leave a Comment