CELLPHONES, WALLETS NAGLAHO SA X-RAY MACHINE NG NAIA

DISMAYADO ang mag-asawang British national matapos maglaho ang kanilang sling bag sa loob ng X-ray machine sa entrance ng departure area ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1.

Ayon kay Abigail Lynch, asawa ng British national, ang kanyang sling bag ay naglalaman ng kanilang cellular phones, wallet at identification cards.

Aniya, wala sa kanyang kaisipan na maglalaho ang kanyang sling bag sa loob ng X-ray machine dahil mayroong nakabantay na security guard.

Agad niya ito ipinagbigay-alam sa Airport Police Department, at sa isinagawang review sa CCTV footage, kitang-kita na ipinasok nito ang kanyang sling bag sa X-ray machine, ngunit hindi ito lumabas at hindi rin nakita ng security guard na nakabantay.

Sa kasalukuyan ay nagsasagawa ng malalim na imbestigasyon ang mga tauhan ng Manila International Airport Authority (MIAA), ngunit habang isinusulat ang balitang ito, wala pang maibigay na paliwanag ang MIAA hinggil sa insidente.

(FROILAN MORALLOS)

36

Related posts

Leave a Comment