COVID SA VALENZUELA SUMIRIT, 85 NADAGDAG

PATAY ang isang COVID-19 patient habang 85 naman ang nagpositibo sa nasabing sakit sa Valenzuela City noong Pebrero 2.

Bunsod nito, 265 na ang COVID-19 casualties sa lungsod at umakyat sa 154 ang active cases kahit na may 61 gumaling.

Ayon sa City Epidemiology and Surveillance Unit, 9,295 na ang tinamaan ng COVID sa lungsod at 8,876 sa kanila ang gumaling na.

Nagpaalala naman ang pamahalaang lungsod na ang pag-iingay gamit ang stereo, karaoke, videoke, o iba pang sound amplifying equipment ay ipinagbabawal sa lahat ng residential at socialized housing area sa Valenzuela City, tuwing oras ng klase at trabaho, Lunes hanggang Biyernes 6 am-7 pm.

Ipinagbabawal din ito tuwing Lunes hanggang Linggo, 10 pm to 6 am ng kasunod na araw, giit ng Pamahalaang Lungsod.

Samantala, apat naman ang nagpositibo habang pito ang gumaling sa COVID sa Navotas nito ring Pebrero 2. (ALAIN AJERO)

52

Related posts

Leave a Comment