DAYUHAN SARAP-BUHAY SA SELDA; GADGETS NAGLIPANA

campo

(NI ROSE G. PULGAR)

IBA’T IBANG uri ng kontrabando ang nakumpiska mula sa detention cell ng Bureau of Immigration (BI) sa Camp Bagong Diwa, Taguig City matapos ang sorpresang inspection na isinagawang ng mga awtoridad Huwebes ng hapon.

Pinangunahan ni Atty. Jesselito Castro, ng Intelligence at Regional Special Operation Unit ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang naturang inspection.

Nakumpiska mula sa detention cell ng mga foreign national ang mga iba’t ibang uri ng kontrabando tulad ng mga cellphone, portable air condition units, portable wifi, mga bakal na gunting, laptops, DVD players, deck of cards, at lighters.

Ang sorpresang pagsalakay sa nabanggit na detention cell ay bunsod ng report na malayang nakakagamit ang mga dayuhang inmates ng nasabing mga gadgets, na mahigpit na ipinagbabawal sa loob.

Sa kasalukuyang nasa 236 na mga dayuhan ang nakakulong sa BI detention cell habang inihahanda ang deportation sa mga ito.

153

Related posts

Leave a Comment