‘DI PAGKANSELA NG LOTTO OUTLET PERMIT NILINAW

lotto67

(NI LYSSA VILLAROMAN)

NILINAW ni Makati City Mayor Mar-len Abigail “Abby” Binay na hindi niya kakanselahin ang business license at mayor’s permit ng lahat ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) gaming outlets sa kanyang nasasakupan makaraang suspendihin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang operasyon ng lahat ng gaming operations nito.

Gayunman, sinabi ni Binay na ang lisensiya at permit ng mga lotto outlets ay hindi basta mababawi kung wala itong legal na basehan na nararapat umaksyon ukol dito.

Ibinahagi ni Binay ang pahayag tungkol dito makaraan ang kanyang pagpirma ng joint venture agreement ng Makati Subway project.

Sinabi ni Binay na mananatiling sarado ang mga lotto outlets ngunit ang pagkakansela ng kanilang mga lisensiya para mag-operate ay hindi na muna ipatutupad.

Dagdag pa ni Binay, wala kasi siyang nakikitang legal na basehan upang ipasara ang mga ito dahil meron silang mga permit at may kontrata sa PCSO.

Ayon sa mayora, kanilang inirerespeto ang direktiba ng Pangulong Duterte pero wala silang legal na basehan upang kanselahin ang mga permit ng mga lotto outlets maliban na lang kung pawalan ng halaga ng PCSO ang kanilang mga kontrata.

Matatandaan na ipinatigil noong nakaraang Biyernes ni Pangulong Duterte ang lahat ng gaming operations ng lotto na pinangangasiwaan ng PCSO dahil sa matinding korupsyon dito.

“Kung mismong ang PCSO ang susulat sa amin na mag-uutos ng pagsasara sa mga lotto outlets, doon lamang gagawa ng aksyon ang lokal na gobyerno upang kanselahin ang lisensiya ng mga ito,” pagtatapos ni Binay.

388

Related posts

Leave a Comment