EX KAPITAN NIYARI NG RIDING TANDEM, AGAW BUHAY

Agaw-buhay ngayon sa  pagamutan ang isang dating barangay chairwoman makaraan barilin ng dalawang naka motorsiklo ng suspek sa harap ng kanyang bahay sa Pasay City, nitong Linggo ng umaga.

Ang biktima na nagtamo ng tama ng  bala sa batok ay nakilalang si Gina Catalan,58 anyo ng FB Harrison Street  ng naturang lungsod.

Ayon sa report, nagwawalis sa labas ng kanilang bahay ang biktima nang pagbarilin ng magkaangkas sa motorsiklo  na  pawang naka-helmet ay mabilis na tumakas matapos ang pamamaril.

Palaisipin  sa pamilya kung bakit binaril si Catalan, isang simpleng maybahay at walang kilalang nakaaway sa kanilang lugar.

7

Related posts

Leave a Comment