FIL-CHINESE COMMUNITY HINAMONG PATUNAYAN KATAPATAN SA PINAS

HINAMON ng isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso, ang Filipino-Chinese community na patunayan ang kanilang katapatan sa Pilipinas.

Ginawa ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers ang hamon sa gitna ng umiinit na tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China sa West Philippine Sea (WPS), at maging ang pagkakasangkot ng mga Chinese national sa ilegal na droga.

“If they consider themselves Filipinos and are really and genuinely concerned about the country, they should speak out now. If they choose to keep their peace, then at least we know where they stand”, ani Barbers.

Kamakalawa, nagsagawa ng “Lakad Magkaibigan” ang Fil-Chinese community sa pangunguna ng Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCII) sa lungsod ng Maynila na dinaluhan ng 5,000 katao.

Subalit, ayon kay Barbers, dapat ding magsalita ang Fil-Chinese community laban sa pagkakasangkot ng Chinese nationals sa ilegal na droga at pananakop at pagha-harass ng China sa WPS, bilang patunay ng kanilang katapatan sa Pilipinas imbes na palabasin na isang uri ito ng sinophobics.

Umapela rin ang mambabatas sa mga makabayang Pilipino na tumulong sa paglilinis sa bansa sa criminal syndicate na sangkot, hindi lamang sa ilegal na droga kundi maging sa POGO “and get our society back from these modern day country snatchers”. (BERNARD TAGUINOD)

29

Related posts

Leave a Comment