POPE FRANCIS KAY ZUBIRI: PROTEKTAHAN ANG PAMILYANG PILIPINO

“Pinakiusapan ako ni Pope Francis to ‘protect the family,’ at isasapuso ko ang sinabi niyang ito.”

Ito ang pagbuod ni dating Senate President Juan Miguel “Migz” Zubiri sa kanyang pagkikita kay Pope Francis noong bumisita siya sa Vatican nitong ika-5 ng Hunyo.

Nakita ni Zubiri—na isang debotong Katoliko—ang Santo Papa noong lingguhang katekismo nito, kung saan nag-aalay rin siya ng mga dasal para sa kapayapaang pandaigdig.

Ang Pilipinas ang huling bansa sa mundo na hindi kumikilala sa diborsyo. Isang panukalang magsasabatas ng diborsyo ang naaprubahan na ng Kamara.

“Ipinagdasal namin ang ating mahal na bansa at ang ating mga lider, na sana ay maliwanagan palagi sa tamang desisyon, kahit hindi ito ang popular na desisyon,” ani Zubiri. Dati na niyan nasabi na bukas siya sa diskusyon, pero malakas ang kanyang paniniwala sa kabanalan at katibayan ng kasal.

Nagkaroon rin ng pagkakataon ang senador na maipakilala ang kanyang pamilya sa Santo Papa. Ilan lamang sila sa mga piling bisita na nabigyan ng pagkakataon na makilala at makatanggap ng personal na basbas mula sa Santo Papa.

“Bilang Katoliko at Kristyano, greatest honor of my life na makita ang ating Santo Papa na si Lolo Kiko, lalo na at nakasama pa namin ang aming mga anak,” sabi ni Zubiri, na may tatlong batang anak sa kanyang asawang si Audrey.

Si Zubiri ay nasa Europa para magkaroon ng “short sabbatical away from politics,” at para makasama ang kanyang pamilya para sa “long-promised quality time.”

“First time ito in two years na nagkaroon ako ng pagkakataon na ibigay ang buong atensyon ko sa aking pamilya, kaya talagang gusto kong ipasyal sila para sa aming family time—all on my personal expense, of course,” sabi ng senador.

“Napakahalaga sa aming pamilya ng aming Catholic faith, kaya very humbling na matanggap ang oras at atensyon ng Santo Papa. Mukhang natuwa pa siya sa bunso namin, na sinabihan pa niyang mag-aral ng Spanish.”

Sa kanilang pagkikita, ipinaliwanag ni Zubiri sa Santo Papa na isa siyang pro-life at pro-family na mambabatas mula sa Pilipinas. Sagot ng Santo Papa, “please protect the family.”

“Napaka-special ni Lolo Kiko sa ating mga Pilipino, at na-feel ko na special rin tayo sa kanyang puso, bilang isa sa mga pinaka-Katolikong bansa sa mundo,” sabi ni Zubiri.

“Palagi kong tatandaan ang kanyang paalala, at gagawin ko ang lahat ng aking makakaya para protektahan ang mga family values na pundasyon ng ating bansa.”

Kasama nina Zubiri sa kanilang bisita ang Philippine Ambassador to the Holy See na si Ambassador Myla Grace Ragenia Macahilig.

70

Related posts

Leave a Comment