FISHBALL VENDOR ARESTADO SA RAPE

ARESTADO ang isang 26-anyos na fishball vendor sa kasong rape, sa pinagtataguan nito sa San Carlos City, Pangasinan noong Huwebes ng hapon.

Kinilala ang suspek na si alyas “Eboy”, residente ng Pandacan, Manila.

Ayon sa ulat na isinumite ni Police Captain Veronica Apresurado, hepe ng Women’s and Children Protection Section, na pinangasiwaan ni Police Colonel Orlando Mirando Jr., Officer in Charge ng Directorate for Investigation and Detective Management Division (DIDMD) ng Manila Police District, bandang alas-2:45 ng hapon nang matunton ang suspek sa Barangay Tandang Sora, San Carlos City, Pangasinan.

Nabatid sa ulat, si Eboy ay suspek sa panggagahasa sa isang menor de edad sa Pandacan, Manila noong Abril 2023.

Inaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Jacqueline S. Martin-Balictar, ng Regional Trial Court (RTC) Branch 9, ng Manila. (RENE CRISOSTOMO)

63

Related posts

Leave a Comment