‘FIXED’ SAHOD NG BUS DRIVER, KONDUKTOR SIMULA SA MARSO 9

jeep100

SIMULA sa Marso 9, ipatutupad na ang “fixed rate” na sahod para sa mga bus driver at konduktor, ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, Martes ng umaga.

Noong nakaraang taon ay kinatigan ng Korte Suprema ang kautusan ng Department of Labor and Employment at Land Transportation Franchising and Regulatory Board na gawing “part-fixed-part-performance-based” ang pagpapasahod sa mga driver at konduktor ng bus.

Sa ilalim ng kautusan, makatatanggap ang bus drivers ng mga benepisyong tinatamasa ng regular employees tulad ng retirement package at PhilHealth at social security coverage, ani Bello.

Maaari aniyang makansela ang prangkisa ng mga operator na lalabag dito.

“They (operators) should welcome this dahil they have to consider na iyung kanilang driver, konduktor, minsan nagkakaroon ng aksidente dahil kadalasan iyung ating mga driver kung ano-anong ginagawa para magkaroon ng maraming pasahero para lalaki ang kanilang komisyon. Delikado ho iyun,” ayon pa rito.

Hinimok naman ni Provincial Bus Operations Association president Alex Yague si Bello na pulungin ang mga operator, driver at konduktor upang linawin ang guidelines ng fixed rate na pasahod.

88

Related posts

Leave a Comment