FRONTLINERS, SENIORS, MAHIHIRAP PRAYORIDAD SA NAVOTAS COVAX

INIHAYAG ni Navotas City Mayor kay Mayor Toby Tiangco na prayoridad sa pagbabakuna laban sa COVID-19 sa lungsod ang mga frontline health workers, indigent senior citizens, iba pang senior citizens at indigent population ng lungsod.

Bukod sa mga nabanggit, bibigyang-prayoridad din ang uniformed personnel, mga guro at school health workers, lahat ng government workers, essential workers sa agrikultura, food industry, transportasyon at turismo, mga nakakulong, PWDs, mga residenteng nakatira sa matataong lugar, overseas Filipino workers (OFWs), iba pang manggagawa at mga mag-aaral.

“Hindi po sabay-sabay ang pagdating ng bakuna kaya kailangan meron po tayong priority list. Pinakauna ay ang ating mga public at private medical frontliners dahil sila po ang may pinakamataas na tsansa ng exposure sa COVID-19. Importante po na proteksyunan natin ang mga nag-aalaga sa atin,” ani Tiangco.

Sa katatapos na pakikipagpulong ni Tiangco sa City Health Department at iba pang department heads ay nabatid na nasa 267,000 ang kasalukuyang populasyon sa Navotas at nasa 103,000 ang edad 18 pataas na target mabakunahan.

Paalala ni Tiangco, mahalaga na magpalista sa COVID-19 vaccination program para maging handa sa pagdating ng bakuna, ngunit hindi aniya nangangahulugan na mababakunahan kaagad dahil susundin ang priority list sa pagbabakuna, ayon sa polisiya ng Department of Health.

Ayon pa sa alkalde, kahit wala sa unahan ng priority list, ang mahalaga ay magpalista agad, dahil kung wala sa listahan, lalong walang tsansang masama sa mga mababakunahan. (ALAIN AJERO)

38

Related posts

Leave a Comment