HIGIT 11-K PULIS IKINALAT SA SEMANA SANTA

ncrpo12

(NI ROSE G. PULGAR)

SINIMULAN na nitong Miyerkoles ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang  11,500  police personnels sa buong Metro Manila upang magbigay ng seguridad sa publiko bunsod  ng paggunita ng Semana Santa at school vacation.

Sa pahayag ni NCRPO Director Police Major General Guillermo Eleazar,  ipakakalat ang mga ito  sa mga mall, simbahan, recreational areas, bus terminals, airports, seaports at  train stations.

Sinabi ni ni Eleazar na haggang sa Hunyo 3 ng taong kasalukuyan naka  “full alert status” ang buong Kalakhang Maynila.

Mahigpit nitong ipinag-utos sa mga district director, chief of police  at station commanders  ang paglalagay ng mga police assistance desks at iba pang  pre-emptive measures  habang ginugunita ang  Lenten season  at bakasyon.

Nakipag-ugnayan din ang NCRPO sa Armed Forces of the Philippines (AFP), local government units, force multipliers, volunteer groups at iba pang concerned agencies  para magsanib pwersa sila sa kampanya kontra kriminalidad.

Nanawagan din si Eleazar sa publiko na makipagtulungan ang mga ito sa pamamagitan,  na kaagad nilang i-report ang mga kahina-hinalang tao na gumagala sa bisinidad ng Metro Manila.

136

Related posts

Leave a Comment