KAPITANA SA QC INAMBUS, PATAY

BELTRAN by EDD CASTRO

(Ni FRANCIS ATALIA / PHOTO by EDD CASTRO)

PATAY ang isang babae na tumatakbong kongresista sa 2nd district ng Quezon City matapos pagbabarilin ng apat na suspek sakay ng dalawang motorsiklo.

Idineklarang dead on arrival sa FEU Hospital ang biktimang si Crisell “Bheng” Beltran, kapitan ng barangay sa Bagong Silangan sa nabanggit na lungsod.

Sa inisyal na ulat, nilapitan ng riding-in-tandem ang Ford Everest ni Beltran na may plakang NDO 612 at saka pinagbabaril sa JP Rizal St.  Patay rin ang driver ni Beltran na si Melchor Salita.

Apat naman ang sugatan sa insidente.

8

Related posts

Leave a Comment