(PHOTO BY KIER CRUZ)
UMABOT na sa kritikal na antas ang La Mesa Dam, pangunahing dam na pinagkukunan ng tubig ng Metro Manila residents, dahilan para manawagan sa publiko na magtipid at mag-ipon ng tubig para sa posibleng paghina o pagkawala ng tubig sa maraming lugar sa Metro Manila.
Umabot na sa critical level na 69 meters above sea level ang antas nito nitong Lunes.
Itinuturing na pinakamababa ito sa nakalipas na 12 taon at senyales ng lumalalang El Nino phenomenon.
Hanggang Lunes ng umaga ay wala pa ring supply ng tubig sa ilang bahagi ng Mandaluyong City, ikaanim na sunod na araw mula ng mawalan ng tubig.
Nananawagan na rin ang mga residente sa Manila Water na ayusin ang pagrarasyon ng tubig dahil marami nang apektadong pamilya at negosyo sa lugar.
139