MAIL ORDER BRIDE VICTIM NASAGIP SA NAIA

NAHARANG ng mga tauhan ng Immigration Protection and Border Enforcement Section (I-PROBES) ang isang Filipina na hinihinalang biktima ng mail order bride scheme, sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), bago makasakay sa kanyang flight papuntang China.

Ayon sa report, ang biktima ay palabas ng bansa kasama ang kanyang ‘supposed husband to be’ na isang Chinese national, at pagpasok sa Immigration counter ay nagduda ang immigration officer on duty sapagkat sa unang arangkada ng ‘question and answer portion’ ay hindi ito kumbensido .

Bagama’t maraming ‘inconsistencies’ sa kanilang mga sagot, nag-presenta ang dalawa ng original certificate ng kanilang pagpapakasal na nakasaad na sila ay ikinasal sa Kamasi, Maguindanao noong Oktubre 2022, ngunit sa isinagawang beripikasyon ay wala ang Chinese national sa Pilipinas nang mangyari ang kasal.

Ayon sa pahayag ng biktima, ang kanilang marriage certificate ay ginawa ng isang agency sa China, kung saan nagbayad sila ng halagang P40,000.

At batay sa BI’s forensic documents laboratory inspection, genuine ang mga dokumento ngunit peke ang mga detalye.

At napatunayan na isa ito sa bagong modus ng human trafficking syndicate para madaling makakumbinsi ng kanilang mga biktima

Anila, magiging kahalintulad ito sa nangyari sa isang 18-anyos na Pinay na nang makarating sa Xiamen ay naranasan ang physical abuse mula sa kanyang pseudo-husband, pinagbabayad ng kanyang pagkain, at pinagbabantaang papatayin kapag kapag tumangging makipag-sex.

(FROILAN MORALLOS)

46

Related posts

Leave a Comment