MAKATI, MANDA MAWAWALAN NG TUBIG

water

(Ni FRANCIS ATALIA)

MAGKAKAROON ng water service interruption ang Manila Water ngayong araw (Enero 21) sa ilang bahagi ng Mandaluyong at Makati City.

Simula 9:00 ng gabi hanggang bukas ng 5:00 ng umaga ay mawawalan ng suplay ng tubig ang Barangay Barangka Drive sa Mandaluyong dahil sa pipe interconnection sa Kapalaran Street kanto ng Silangan.

Makararanas din ng water service interruption ang bahagi ng Barangay Rizal sa Makati City bandang 10:00 ng gabi na tatagal hanggang 4:00 ng umaga bukas dahil sa pipe maintenance sa bahagi ng Blueboz Street.

6

Related posts

Leave a Comment