(NI MARC CABREROS)
BAGAMA’T wala pang nakikitang direktang senyales na maghahasik ng kaguluhan at karahasan sa Metro Manila, matamang na binabantayan ng awtoridad ang galaw ng ISIS.
Bunsod ito ng pagkaaresto ng dalawang magkapatid na sinasabing tagasuporta ng nabanggit na teroristang grupo sa Baggao, Cagayan.
Sa gitna nito, inihayag ni PNP chief Oscar Albayalde na walang dapat ikabahala ang publiko.
Hawak ang search warrant, hinalughog ng awtoridad ang bahay nina Altero at Greg Cariaga kung saan nakita ang mga armas at bala gayundin ang bandera na katulad sa ISIS na nakabalandra pa sa dingding ng bahay ng mga ito.
Dinala ang magkapatid sa CIDG unit sa Region 2 upang isailalim sa masusing imbestigasyon.
Hindi nagbigay ng pahayag sa media ang magkapatid. Samantala, inihayag ni Professor Richard Haydarian, isang analyst, na may indikasyong unti-unting nagiging base ng dayuhang terorista ang bansang Pilipinas at dahil dito, aniya, ay hindi dapat magpakampante ang mga awtoridad.
160