MGA ‘EX’ NI BELTRAN INIMBITAHAN NG PULISYA

beng200

(NI Luisa Leigh Niez/PHOTO BY JHAY JALBUNA)

HINIHINTAY pa rin hanggang ngayon ng mga imbistigador ng  “ Task Force Beltran “  ang isang tomboy na sinasabing dati umanong naka relasyon ng napatay na barangay chair at tumatakbong kongresista ng ika 2 Distrito ng lunsod Quezon.

Ayon  kay Chief  Inspector  Elmer  Monsalve, hepe ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng  Quezon City Police District (QCPD) ,  lahat ng nakakakilala kay barangay chair Crissel Beltran, 48, ay ikokonsiderang  ‘person of interests’ at  kabilang na dito  ang  apat na  naka-relasyon ng kapitana.

Ayon sa CIDU ,  unang dumating  sa kanilang tanggapan ay ang tunay na asawa ni kapitana na si Winston Beltran, 51, sumunod na dumating ay ang pulis  at pinaka huling dumating ay ang kinakasama umano ngayon  ni kapitana, ngunit  hanggang ngayon  ay hindi pa umano lumulutang ang  tomboy na  sinasabing naka relasyon  ni chairwoman.

Sa press briefing ng QCPD, ay  sinabi ni QCPD Director PCSUPT  Joselito Esquivel, Jr.,  na tukoy na nila ang  isa sa anim na suspek, at naniniwala  rin ang heneral na  ma-impluwensiya ang nasa likod ng  nasabing krimen.

“Para  gumamit ng  anim katao  na miyembro ng gun-for- hire , ay   may pera  ang nasa likod ng  krimen, biro mo namang  anim katao ang babayaran mo, ipagpalagay mo ng tig P100,000 ang bayad  sa isa  eh di mahigit kalahating  milyon ang kanyang babayaran” ang sabi ni Esquivel..

Ang anim na suspek umano sa pag ambus kay Beltran ay  gumamit ng tatlong motorsiklo .

Hanggang sa kasaluyan  ay nananatili pa ring tikom ang bibig ng mga imbestigador ng  QCPD  kaugnay sa  kaso ni Beltran.

193

Related posts

Leave a Comment