(NI Luisa Leigh Niez/PHOTO BY JHAY JALBUNA)
HINIHINTAY pa rin hanggang ngayon ng mga imbistigador ng “ Task Force Beltran “ ang isang tomboy na sinasabing dati umanong naka relasyon ng napatay na barangay chair at tumatakbong kongresista ng ika 2 Distrito ng lunsod Quezon.
Ayon kay Chief Inspector Elmer Monsalve, hepe ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng Quezon City Police District (QCPD) , lahat ng nakakakilala kay barangay chair Crissel Beltran, 48, ay ikokonsiderang ‘person of interests’ at kabilang na dito ang apat na naka-relasyon ng kapitana.
Ayon sa CIDU , unang dumating sa kanilang tanggapan ay ang tunay na asawa ni kapitana na si Winston Beltran, 51, sumunod na dumating ay ang pulis at pinaka huling dumating ay ang kinakasama umano ngayon ni kapitana, ngunit hanggang ngayon ay hindi pa umano lumulutang ang tomboy na sinasabing naka relasyon ni chairwoman.
Sa press briefing ng QCPD, ay sinabi ni QCPD Director PCSUPT Joselito Esquivel, Jr., na tukoy na nila ang isa sa anim na suspek, at naniniwala rin ang heneral na ma-impluwensiya ang nasa likod ng nasabing krimen.
“Para gumamit ng anim katao na miyembro ng gun-for- hire , ay may pera ang nasa likod ng krimen, biro mo namang anim katao ang babayaran mo, ipagpalagay mo ng tig P100,000 ang bayad sa isa eh di mahigit kalahating milyon ang kanyang babayaran” ang sabi ni Esquivel..
Ang anim na suspek umano sa pag ambus kay Beltran ay gumamit ng tatlong motorsiklo .
Hanggang sa kasaluyan ay nananatili pa ring tikom ang bibig ng mga imbestigador ng QCPD kaugnay sa kaso ni Beltran.
192