MININGO OUTBREAK SA QC, FAKE NEWS

QC HALL

(Ni FRANCIS ATALIA)

PINABULAANAN ng lokal na pamahalaan ng Quezon City ang balitang may meningococcemia outbreak sa Novaliches.

Paliwanag ni Dr. Olivia Favor, medical director ng Novaliches District Hospital, ang temporary shutdown na ipinatupad sa emergency room ng ospital ay isang safety measure matapos isugod ang isang 11-anyos na batang lalaki noong Enero 4.

Ayon pa kay Favor, normal na preventive measure ang ilagay sa specialized government healthcare facility ang bata na pinaghihinalaang may meningococcemia subalit hindi ito nangangahulugan na may outbreak na ng sakit.

Sumailalim sa decontamination ang emergency room na isinara ng 24 oras upang hindi kumalat ang sakit kung sakaling totoo ngang may meningococcemia ang bata.

Nilapatan na rin ng preventive treatment ang mga pasyente at mga medical staff na nasa ospital nang araw na iyon.

4

Related posts

Leave a Comment