TRASLACION NAG-IWAN NG GABUNDOK NA BASURA

deboto

AABOT sa hanggang 12 truck ng basura sa mga rutang dinaanan ng Traslacion ang maghahakot sa inaasahang basura matapos ang prusisyon, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Huwebes ng umaga.

Sinabi ng MMDA na kaninang umaga ay nakakolekta na ang ahensiya ng pitong truck ng basura at iyon ay sa Quirino Grandstand pa lamang kung saan nagsimula ang Traslacion.

“‘Yung sitwasyon ng basura, hindi pa ho natin naga-gather lahat pero ‘yung sa Quirino Grandstand nakakolekta tayo ng five to seven trucks, so medyo malaki po ‘yun kasi ‘yung isang truck katumbas ng 16 cubic meters,” sabi ni MMDA spokesperson Celine Pialago.

Ipagpapatuloy naman ang clearing perations sa Quirino Granstand, Quiapo Church at mga rutang dinaanan ng prusisyon sa Maynila. Tutulungan ang MMDA ng mga ahensiya ng local government para sa ikabibilis ng paghakot ng basura. Tinataya ng pulisya na aabot sa apat na milyong deboto ang lumahok sa Traslacion na natapos matapos ang 21 oras.

11

Related posts

Leave a Comment