MRT-3 SUMAILALIM NA SA TRACK MAINTENANCE

mrt15

(NI KEVIN COLLANES)

SUMAILALIM sa rail grinding activity ang Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) nitong Miyerkoles ng gabi, matapos ang kanilang regular na operasyon.

Sa inilabas na advisory ng Department of Transportation (DOTr), nabatid na dakong 11:00 ng gabi nang simulan ang aktibidad sa northbound tracks ng MRT-3, mula sa Taft Avenue station sa Pasay City hanggang sa Magallanes station nito.

Ayon sa DOTr, ang rail grinding ay ikinukonsidera nilang pinaka-epektibong paraan ng track maintenance upang kaagad na makontrol ang epekto ng rail fatigue.

Isinagawa ang aktibidad, may dalawang linggo na lamang bago ang pagdaraos nila ng taunang maintenance shutdown ngayong taon.

Matatatandaang una nang nagpaabiso ang DOTr na magpapatupad ng maintenance shutdown sa MRT-3 sa buong panahon ng Mahal na Araw o mula Abril 15, Lunes Santo, hanggang Abril 21, Easter Sunday, upang bigyang-daan ang kanilang maintenance activities.

Inaasahang magbabalik ang regular na operasyon ng naturang mass railway system sa Abril 22, 2019.

Ang MRT-3, ang siyang nag-uugnay sa Taft Avenue, Pasay City hanggang sa North Avenue, Quezon City at pabalik, via Epifanio delos Santos Avenue (EDSA).

 

 

103

Related posts

Leave a Comment