NAIA SARADO HANGGANG MAMAYANG ALAS-11 NG GABI

NAIA-8

(NI FROILAN MORALLOS)

PANSAMANTALANG ipinasara ng Manila International Airport Authority (MIAA), sa pakikipatulungan ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) , ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil sa bagyong Tisoy.

Nagsimula ang closure ng NAIA mula 11:00 ng umaga hanggang alas 11 ng gabi ng Disyembre 3.

Ayon kay MIAA general manager Ed Monreal apektado ang tinatayang aabot sa 480 international at domestic flight .

Kaugnay nito, pinapayuhan ni GM Monreal ang mga pasahero na huwag muna magpunta sa airport habang sarado pa ang paliparan.

Ang naging hakbang ng MIAA ay batay sa weather forecast ng Pagasa na dadaan ang  bagyong Tisoy sa Metro Manila, upang makaiwas sa hindi inaasahan aksidente  na maaring mangyari sa mga pasahero.

165

Related posts

Leave a Comment