Nakipagkita sa nobya LOLO INATAKE SA HOTEL, PATAY

0

HINDI umabot nang buhay sa ospital ang 65-anyos na lolo makaraang atakehin sa puso nang makipagkita sa kanyang nobya sa isang hotel sa Quiapo, Manila nitong Miyerkoles ng hapon.

Kinilala ang biktimang si Abdulfattah Mogawan, retiradong overseas Filipino worker, at residente sa Pasay City.

Ang biktima ay idineklarang dead on arrival sa Our Lady of Lourdes Hospital bandang alas-1:25 ng hapon.

Batay sa ulat ni Det. Teody Siguen ng Manila Police District-Homicide Section, nakipagkita ang biktima sa umano’ y nobya nitong si Trish Aivee Glinofrea, 29, sa Quiapo, alas-11:30 ng tanghali at saka nagpasyang mag-check-in sa Sunrise Hotel.

Dakong alas-12:11 ng tanghali nang hilingin ng biktima kay Glinofrea na bigyan siya ng tubig kaya inabutan ng bottled water. Ngunit nanghina umano ang biktima at napahiga sa kama.

Bunsod nito, humingi ng tulong sa roomboy si Glinofrea para maisakay sa taxi ang biktima at madala sa ospital ngunit binawian ito ng buhay.

Napag-alaman, acute coronary syndrome ang sanhi ng pagkamatay ng biktima. (RENE CRISOSTOMO)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment