NDRRMC: MISMANAGEMENT SA MANILA WATER DAHILAN NG WATER SHORTAGE

angatdam12

NANINIWALA ang National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) na ‘mismanagement’ sa pamunuan ng Manila Water at hindi ang kakulangan ng supply ng tubig ang dahilan ng nararanasan ngayong water shortage sa malaking bahagi ng Metro Manila.

Sinabi ni NDRRMC executive director USec. Ricardo Jalad, na may maling pamamalakad dahilan sa nararanasang kakulangan ng supply ng tubig. Magkakaroon ng pulong sa pagitan ng Manila Waterworks and Sewerage System, Manila Water at Maynilad upang malutas ang nararanasang kakulangan ng supply ng tubig sa east zone.

Sinabi ni Jalad na tumaas ang consumer demand ngayon ng Manila Water mula sa 1,600 million liters per day tumaas na ito ngayon sa 1,750 million liters per day. Ang 90 porsiyentong supply ng tubig sa Metro Manila ay nanggagaling umano sa Angat Dam at nasa 4,000 million liters per day ang inilalabas na tubig mula rito.

Nilinaw naman ni Jalad na hindi main source ng tubig ang La Mesa Dam, gaya ng mga naglalalabasang ulat. Ipinaliwanag ni Jalad na ang tubig sa Metro Manila ay nanggagaling sa Angat Dam patungo sa distribution lines ng MWSS at patungo din sa apat na water treatment plant ng Maynilad at Manila Water.

“So yung sobrang tubig lalo na kung nag ulan kelangan talaga maglabas ng tubig so ang sobrang tubig ay napupunta sa La Mesa Dam bagamat may koneksiyon ito sa Balara water treatment plant,” dagdag pa ni Jalad.

261

Related posts

Leave a Comment