NUMBER CODING SCHEME SUSPENDIDO NGAYON

mmda

(NI ROSE PULGAR)

INIANUNSIYO kahapon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na suspendido ngayong araw ang pagpapatupad ng Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP) o Number Coding Scheme sa mga pangunahing lansangan ng Metro Manila.

Base sa traffic advisory ng MMDA, sinuspinde  ang pagpapatupad ng UVVRP bilang paggunita ng ika -36 na kamatayan ni dating Senador Benigno Aquino Sr.

Ibig sabihin, dahil sa suspensiyon, malayang makabibiyahe ang mga sasakyan anuman ang nasa hulihang digit ng kanilang plaka sa lahat ng pangunahin lasangan sa Metro Manila.

Bukod sa anunsiyo ng MMDA, nag-abiso rin ang pamahalaang lokal ng Makati na walang number coding din sa kanilang lungsod ngayon araw (Agosto 21).

Sa pahayag naman ng Public Information Office (PIO) ng Las Piñas, tuwing holiday ay hindi rin ipinatutupad ang number coding sa lungsod.

Sa gitna ng matinding traffic sa EDSA at iba pang lansangan, payo naman ng MMDA sa mga motorista, planuhin ang mga lakad at kung wala naman itong mahalagang pupuntahan ay huwag nang makisiksik sa daloy ng trapiko.

 

124

Related posts

Leave a Comment