P13.5-M PARTY DRUGS NASABAT NG PDEA, BOC

NASABAT ng Bureau of Customs-Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA) at Philippine Drug Enforcement Agency, ang P13.5 milyong halaga ng ilegal na party drugs sa Central Mail Exchange Center (CMEC) sa Pasay City nitong nakalipas na linggo.

Ayon sa BOC-NAIA, ang parcel ay unang idineklara bilang mga de-latang pagkain at prutas mula sa Denmark at naka-consign sa isang indibidwal sa Taguig City.

Nakumpirma sa isinagawang field-testing ng PDEA na ang mga paketeng nasa loob ng parcel ay naglalaman ng 5,033 piraso ng ecstasy tablets at 998 gramo ng ketamine.

Sinasabing umabot sa P13,546,100 ang kabuuang halaga ng ilegal na droga sa lansangan.

Mahaharap naman ang consignee sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act at Section 1401 (Unlawful Importation), sa ilalim ng Customs Modernization and Tariff Act.

“The Bureau remains resolute in upholding the law and safeguarding the welfare of the Filipino people” pahayag ni Customs Commissioner Bienvenido Y. Rubio hinggil sa nasabat na kontrabando.

Pinapurihan naman ni Comm. Rubio ang liderato ni District Collector Yasmin O. Mapa, BOC-NAIA, sa kanilang pagsisikap at dedikasyon sa pagbabantay sa mga hangganan ng Pilipinas laban sa mga nagtangkang magpuslit ng droga. (JESSE KABEL RUIZ)

47

Related posts

Leave a Comment