P45-M DROGA NASABAT SA NAIA

NASABAT ng mga tauhan ng Customs Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (IADITG) ng Bureau of Customs (BOC) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang tinatayang P45 milyong halaga ng illegal drugs.

Ayon kay Yasmin Mapa, Customs District collector ng NAIA, ang droga ay dumating sa bansa noong Marso 4, 2023, lulan ng Emirates Air mula sa bansang Africa.

Idineklara ito bilang African Cultura, na ipinadala ng isang Michael Mobida ng Kempton Park, Johannesburg ng Africa, Kay Wilbert Dee ng E. Rodriguez, Sr. Avenue, Cathedral, Manila, Philippines.

Batay sa impormasyon, ang 6,750 kilograms ng hinihinalang shabu ay inihalo sa anim na plastic pouches ng nuts, at tatlong pouches ng pumpkin seeds.

Nadiskubre ang mga ito makaraang ipadaan sa X-ray scanning at sa 100 percent physical examination, kung saan nakita ang ilegal na droga sa 6 plastic pouches ng pumpkin seeds, at inihalo sa naka-bundle na assorted fabric placement, pillow cases at blankets. (FROILAN MORALLOS)

201

Related posts

Leave a Comment