PAGTAAS NG KASO NG TIGDAS NAKAAALARMA NA

tigdas1

(NI KIKO NIETO)

NAGHAYAG ng pagkabahala ang isang opisyal ng San Lazaro Hospital dahil sa pagdami ng bilang ng mga may tigdas na itinatakbo sa kanilang ospital.

Aabot sa 248 na kabataan at 21 na adult ang ginagamot ngayon dahil sa tigdas, sa San Lazaro Hospital.

Sinabi ni San Lazaro Hospital spokesperson Dr. Ferdinand de Guzman, na noong Lunes lang, pito ang namatay, at tatlo roon ay  komplikasyon sa tigdas.

Sinabi pa ni De Guzman na noong isang linggo, siyam na bata ang namatay dahil sa tigdas.

Naghayag ng pagka-alarma si De Guzman dahil sa mataas na bilang ng mga nagakakaroon nito.

Nahihirapan na rin sila at kinakailangan ng maghati sa higaan ang mga pasyente.

“For San Lazaro alone, we have seen a very huge jump for the number of measles cases,” sinabi ni De Guzman.  “Most of these patients that were admitted did not have any immunization… It’s alarming,” dagdag niya.

Nitong Enero lang, sinabi ni De Guzman na libu-libo naa ng kasong naitala sa San Lazaro hospital at inaasahan pa ng mga doktor na mas tataas pa ito.

“We expect to see more and more cases,” sinabi niya.

Pero sa kabila ng mataas na bilang at kulang na kama, sinabi nilang patuloy silang tatanggap ng mga pasyente.  “San Lazaro still accepts measles cases…we cannot turn down every Filipino who asks help from us,” sinabi ni De Guzman

 

 

109

Related posts

Leave a Comment