Para sa kampanya vs illegal drugs ANTI-MONEY LAUNDERING ACT PINALAKAS

IKINATUWA ng Dangerous Drugs Board (DDB) ang pagpirma ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Republic Act No. 11521, na pagpapalakas ng Anti-Money Laundering Act of 2001.

“This is a significant development in the campaign against illegal drugs. Now that the amendment has been passed, it will greatly help in the aspects of prosecution and judicial measures of our anti-drug campaign,” ani DDB Chairman Secretary Catalino S. Cuy.

Pinaliwanag niya, ito rin ay pagpapalakas sa pagsasagawa ng financial investigation para sa drug cases.

“By looking into the channels where drug traffickers funnel money for their illegal drug trading activities, we will have better chances of catching and prosecuting the big fish,” dagdag niya.

Mula sa policy standpoint, ang DDB ay magtatrabaho, kasama ng Anti-Money Laundering Council (AMLC), para tiyakin ang pakikipagtulungan sa anti-drug law enforcement agencies at iba pang government agencies sa pagpapatupad ng Philippine Anti-Illegal Drugs Strategy (PADS).

Ang PADS ay nag-aadbokasya rin para sa maayos na imbestigasyon ng pinaghihinalaang financial transactions na may kaugnayan sa ilegal na droga.

Simula noong 2016, ang DDB, bilang policy making body sa usapin ng droga, ay nag-lobby para maamyendahan ang Anti-Money Laundering Law para palakasin ang mga hakbang at mga mekanismo na akma sa anti-drug priorities ng kasalukuyang administrasyon. (JOEL O. AMONGO)

 

56

Related posts

Leave a Comment