PEKENG PNP RUBBER SHOES KINUMPISKA

POLICE500

(NI JG TUMBADO)

NASABAT ng pamunuan ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group ang nasa mahigit 100 pares ng huwad na PNP rubber shoes sa inilatag na entrapment operation sa lungsod ng Quezon.

Nagkakahalaga umano ang mga nakumpiskang counterfeit shoes ng P170,000 at ibinebenta umano sa hindi miyembro ng pulisya.

Kasabay ng operasyon ay ang pagkakaaresto sa tatlong suspek na nakilalang sina Mark Corporal, 33; Lorenzo Celestial, 35, at Rail Ramirez, 25.

Ayon kay CIDG Director Chief Supt. Amador Corpus, ang mga orihinal na pares ng sapatos ay ekslusibo lamang sa mga miyembro ng Philippine National Police.

Una na umanong nakatanggap sila ng reklamo matapos humingi ng saklolo ang JP Group of Companies Incorporated na isa sa mga opisyal na manufacturer ng PNP rubber shoes.

Ayon sa kumpanya, ibinebenta ang mga sapatos sa ilang shoe outlets.

Dahil dito, naaresto ang tatlong suspek na nag-deliver ng mga counterfeit shoes sa isang undercover police officer.

Patuloy na iniimbestigahan pa ang naturang modus.

79

Related posts

Leave a Comment