PHIL. ARMY NAGTALAGA NG BAGONG PINUNO SA BAC

MATAPOS na mapili at hirangin, pinanumpa ni Philippine Army Commanding General Lt. Gen. Roy M. Galido ang mga bagong talagang chairpersons ng Philippine Army Bids and Awards Committees (PABAC) 2 and 3 sa Punong Himpilan ng Philippine Army, sa Fort Bonifacio, Taguig City.

Kasabay nito ang pagbibigay ng pagkilala sa dalawang immediate past heads ng Army BAC.

Pinagkalooban ni Gen. Galido ng command plaques sina retired Brig. Gen. Alvin V. Flores, ang immediate past chairman ng PABAC 2, at Brig. Gen. Benjamin L. Hao, chairman naman ng PABAC 3.

Habang mismong si Lt. Gen. Galido naman ang siyang nanguna sa panunumpa nina Brig. Gen. Hao bilang newly installed PABAC 2 chairman, at Brig. Gen. Marceliano V. Teofilo na magsisilbing PABAC 3 chairman.

Nabatid na sa ilalim ng Government Procurement Reform Act, ang PABAC ay may mandato na matiyak ang streamlining, transparency, competitiveness, at accountability sa lahat ng procurement process ng Hukbong Katihan.

(JESSE KABEL RUIZ)

48

Related posts

Leave a Comment